Tutorial for Universal Image Cloning of Windows 7, 8, 10
Pwedeng ideploy kahit saan, mapapabilis trabaho nyo dito dahil drivers nalang ang install pagkatapos. AMD or INTEL Vice versa, walang blue screen.
- Optimization tool - https://labs.vmware.com/flings/vmware-os-optimization-tool
- Norton Ghost - https://filehippo.com/download_norton_ghost/
Steps Part 1:
- Mag prepare kayo nang isang hdd for Formatting and Windows Installation, 150gb for partition is enough na.
- Maghanda din ng bootable flash drive na meron windows installer, pang clone any software na magustuhan nyo(sakin ginagamit ko is norton ghost or hdclone kasi mabilis).
- Extra HDD or external hdd para paglagyan ng image nyo mamaya pag clone.
- After Windows installation, iInstall nyo mga basic programs na needed wag nyo nang damihan para di lumaki lalo ang image. Sa akin ang mga naka install is Microsoft Office, Winrar, VLC, AiO Redistributables by jadam natad(dx9, flashplayers, dotnet frameworks, etc halos lahat nang needed), Gamehouse games at Google Chrome.
- Gamit kayo ng tweaks para gumanda yung performance ng os nyo, meron madali 1 click lang pero, pero pag optimize nyo, wag nyo icheck yung no boot gui at yung mga services na ididisable dahil hindi natin alam baka may mga softwares na gagamitin si client at baka magkaproblema.
- Pag tapos na Step 2 at 3, Proceed na tayo sa sysprep. (Importante po ito para maging universal yung image nyo at magamit2 sa ibat2 bang mga pc.)
- Ang program na ito ay makikita sa directory ng: C:\Windows\System32\sysprep
- iLaunch ang program at hintayin may lumabas na box.
- At icheck ang generalize, iselect ang shutdown sa baba, then click ok hayaan mo lang hanggang kusa syang mag shutdown.
- Meron pic for reference.
Steps Part 2:
- Pag ka shutdown wag mo muna i on ang pc, siguraduhin na gumagana yung bootable flashdrive mo at meron kang extra storage dahil pag na boot mismo yung os na iko-clone mo is babalik ka sa step 6 part 1.
- iboot ang iyong bootable flashdrive na merong pang clone na software at iclone as hdd yung ginawa mo, hintayin matapos at pag finish na yan, pde mo nang gamitin sa mga installation mo.
- pede mo nang itest ang ginawa mong image sa hdd mo, para sure na gumagana. Pagkatpos mong mg clone from your backup image to your hdd, hayaan lang sya mag boot hanggang matapos, then next mo lang, pag pinagawa ka ng user account lagyan mo lang ng kahit ano, dahil dun ka papasok sa isang account kung san meron nang mga shortcut ng mga icons ng mga programs na nainstall mo. Pag nasa desktop ka na una mong gawin is punta ka sa control panel at idelete yung ginawa mo na isang account, after nyan ok na.
- (Meron gagawin kung gusto mong straight to desktop na via unattended.xml file, pero kayo na po mag research dahil tataas to pag sinali ko pa dito).
Done! Advantage niyan is mapapadali installation nyo kasi driver nlang ilalagay, kung may driver pack kayo di mas lalong dadali, ez 500-1k ez life. Kung meron mga request na additional softwares si client, oh diba easy add on, pera na rin yan. Kung gusto din ng tomer ibackup yung existing files nya, alam nyo na gagawin.
Pede nyo rin yan gamitin sa laptop, gagana po yan. yung mga old desktop nuon ayaw ng mga bootable flashdrive, ang ginagawa ko kinukuha ko hdd nila at dun sa unit ko iko-clone or kung meron ka usb to sata pde din yun gamitin.
Matagal na po ang tool na yan sa mga di pa nakaka alam, Windows XP days existing na po sya, naalala ko nuon 30-50 mins tapos na laptop or desktop ni client.
Comment lang kung may kulang. Salamat!
No comments: